CTG members at supporters na na-nuetralize ng pamahalaan, umabot na sa 706

Umabot na sa 706 ang bilang ng mga miyembro at supporters ng Communist Terrorist Group ang na-nuetralize ng pamahalaan.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, ito’y mula January 1 hanggang April 11 ngayong taon.

Mula aniya sa nabanggit na bilang, 614 ang sumuko sa pamahalaan, 46 ang apprehended o naaresto at 46 ang napatay sa mga military operations.

Samantala, nasa 293 na armas naman ang nakumpiska at isinuko sa mga otoridad.

Iniulat din ni Col. Padilla na mayroong 89 local terrorist group ang na nueatralize rin ng pamahalaan.

Sa bilang, 21 ang napatay sa engkwentro, 64 ang sumuko at 4 ang nadakip ng mga otoridad.

Patuloy ang panagawan ng militar sa nalalabing miyembro ng NPA na sumuko na at magbalik-loob sa pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *