Curfew hours sa Sto. Domingo, Albay ibinaba

LEGAZPI-Muling ibinaba sa alas dies y media ng gabi ang curfew hours sa bayan ng Sto. Domingo, matapos maitala ang mga nagpositibo sa sakit na covid-19 sa lalawigan ng Albay.

Sa bisa ng Executive order number 35 series of 2022 na pirmado ni Mayor Joseling Jun Aguas, maliban umano sa covid-19 pandemic, naitala rin noong mga nakaraang araw ang insidente ng nakawan.

Para umano masiguro ang kaligtasan ng mga kabataan at bata dahil sa pagluwag ng health restrictions, babawalan ang mga ito na makita sa labas ng bahay sa nasabing oras.

Aminado kasi si mayor aguas na sa kanyang paglilibot noong madaling araw, marami pa rin na kabataan ang nakatambay sa labas ng bahay.

Maliban pa riot kahit ang merkado publiko ang magsasara na ng alas 10 ng gabi at papayagan lamang makapasok ang nagtitinda kung mayroong permiso mula sa public market supervisor.

Samantalang sa nakalipas na araw, naitala na ang 2 bagong kaso ng covid-19 sa bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *