DA, bibili nang direkta sa mga onion farmers

Bagamat tiyak na sapat pa ang suplay ng pulang sibuyas ngayong Disyembre – hindi isinasantabi ng Department of Agriculture (DA) na maaaring magkulang na rin ito pagpasok ng susunod na taon.

Sa isang panayam, sinabi ni DA spokesperson Asec. Kristine Evangelista na kinukumpirma pa nila sa ngayon kung sasapat pa ba ang imbenteryo pagpasok ng Enero at Pebrero.

Bagamat may inaasahan daw kasing pag-aani ng mga sibuyas ngayong buwan, may pagtaas naman sa demand nito ngayong Holiday season.

Dahil dito, nakikipagdayalogo na raw sila sa mga traders para masigurong mayroon pang mga stock ng sibuyas sa kani-kanilang mga cold storage.

Inaaral na rin ng DA ang direktang pagbili nito sa mga farmers.

Sa ngayon, lumabas umano sa kanilang monitoring na naglalaro na sa P280 hanggang P300 ang presyo ng pulang sibuyas sa merkado.

Hinikayat naman nila ang publiko na mamili sa mga KADIWA ng Pasko stores na mayroong P170 kada kilo ng mga pulang sibuyas.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *