DA, bukas na i-subsidize ang feed sa poultry sa harap ng tumataas na presyo sa itlog

Bukas ang Department of Agriculture (DA) na isubsidize ang feed sa poultry, sa gitna ng tumataas na presyo ng itlog.

Maliban dito, sinabi ni DA spokesperson Kristine Evangelista, na nakikipagtulungan sila sa Philippine Egg Board Association (PEBA) para matukoy ang “bottlenecks” sa suplay.

Una nang isinisi ng DA sa epekto ng bird flu ang pagtaas sa presyo ng itlog.

Mababatid na sa ngayon, walong rehiyon ang apektado sa naturang sakit, kung saan ang pitong mga farms sa Ilocos Sur at sa North Cotabato ang may active cases sa kanilang mga native na manok at pato.

Maliban dito, may naitala ring infections sa Pampanga at Bulacan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *