Halaga ng mga nasirang pananim na palay sa Pampanga, umakyat na sa mahigit 269 million

Umakyat na sa 268,383,665.68 ang kabuuang halaga ng rice crop na nasira sa lalawigan ng Pampanga dahil sa nararanasang pag-ulan nitong mga nakaraang araw.

Sa datos na inilabas ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO, ang bayan ng Candaba ay mayroong pinaka malaking halaga na nasirang pananim na aabot sa mahigit 168 million pesos.

Sinundan ito ng bayan ng San Simon na may halagang mahigit 31.8 million, habang 29.8 million sa bayan ng Apalit, 26.4 million sa San Luis, at mahigit 3 million sa bayan ng Sta, Ana at Arayat.

Samantala, sa bayan naman ng Lubao, Mexico, at Magalang ay aabot sa mahigit tig-isang milyong piso ang rice crop damage.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *