DA magbibigay ng fertilizer vouchers para sa mga magsasaka

Inihayag ng Malacañang na magbibigay ang Department of Agriculture (DA) ng fertilizers sa mga magsasaka, para mapalakas ang rice production.

Sa ilalim ng Memorandum Order (MO) No. 65 series of 2022 ng DA, nakasaad na ang fertilizer vouchers ay gagamitin ng farmer-beneficiaries para sa urea fertilizers para makatulong sa potential impacts ng under-application ng urea.

Ang MO No. 65 ay nabuo mula pag-amyenda sa pagpapatupad sa mga guidelines ng fertilizer discount voucher project ng National Rice Program.

Batay sa MO 65., na ang naturang proyekto ay saklaw din ang beneficiary-farmers sa mga rehiyon na nagtatanim ng inbred at hybrid rice seeds, maliban sa National Capital Region (NCR) at sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM).

Ang mga kwalipikadong benepisyaryo ay mga rice farmers na nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA), ang mga encoded sa Farmers and Fisherfolk Registry System (FFRS), at ang mga magtatanim sa 2022-2023 dry cropping season.

Giit ng DA, na ang mga magsasaka na nagsasaka sa dalawang ektarya pababa ang prayuridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *