Dahil sa umano’y chismis – babae, pinatay ng kapitbahay sa Koronadal

KORONADAL CITY- CHISMIS umano ang nagtulak sa suspek sa pananaksak patay sa isang 50-anyos na babae sa Purok Lower Kadidang, Barangay San Jose, Koronadal.

Kilala ang biktima na si Marilyn Pahilangga Lavapiez, 50-anyos habang ang suspek naman na si Jason Floyiho Bañes, 22-anyos pawang mga residente ng nasabing lugar.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal sa Bañes, suspek sa krimen, inihayag nitong labis na umano ang paninirang ginawa ng nasabing biktima sa kanya pati na sa kanyang pamilya na ito naman ang tumulak sa kanyang upang gawin ang nasabing krimen.

Dagdag pa nito na wala siyang pinagsisihan sa kanyang ginawa.

Humihingi naman ito ng pasensya sa pamilya at mga mga kanyang biktima.

Sa ngayon nasa kustudiya ito ng Koronadal City PNP at nahaharap sa kasong pagpatay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *