Tulong sa mga residente ng gumuho bahay sa Valenzuela, tiniyak ng LGU

Tiniyak ng local na pamahalaan ng Valenzuela City na mabibigyan ng sapat na pagkain at tulong ang mga residente ng mga gumuhong bahay sa lunsod.

Kung maalala, halos sampong kabahayan ang nagiba bunsod ng lumambot na lupa dahil sa sunod-sunod na pag-ulan.

Sa impormasyong inilabas ng Valenzuela Government, lumalabas na pagguho ang lupa sa bahagi ng S. Feliciano St. Mapulang Lupa at Ugong, Valenzuela, bandang alas-10 ng umaga kahapon.

Tinatayang may 70 katao o 17 pamilya ang nawalan ng tirahan sa mga residente ng Mapulang Lupa habang 43 katao o 11 pamilya sa may Ugong ang naapektuhan ng pangyayari.

Sa ngayon inaalam na ng City Social Welfare and Development (CSWD) Office ang iba pang pangangailangan ng mga naninirahan sa lugar na nawalang ng tutuloyan na pansamantala ngayong nananatili sa evacuation sites sa 3S Center Mapulang Lupa at sa old Barangay Hall ng Ugong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *