Dalawa sa tatlong bagong kaso ng COVID- 19 sa Basud close contact ng naunang nagpositibo

BASUD, CAMARINES NORTE – Nakapagtala muli ng tatlong bagong kaso ng COVID- 19 sa bayan ng Basud, Camarines Norte batay sa ulat ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes.

Batay sa opisyal na pahayag ng Lokal na Pamahalaan, dalawa sa mga ito ay close contact ng naunang nagpositibo.

Si Bicol No 9407 na isang 22 anyos na lalake at Bicol No 9406 na isang 29 anyos na babae ay kapwa  taga Brgy. San Felipe.

Ang dalawa ay close contact ni Bicol No 8614 at naka- isolate ngayon.

Walang sintomas o asymptomatic ang dalawa.

Nagpositibo rin sa sakit ang isang 18 na babae mula naman sa Brgy. Poblacion 1. Siya si Bicol No. 9411, 18 anyos na babae at walang travel history. Inaalam pa ang history of exposure ng pasyente.

Una itong nakaramdaman ng sintomas noong May 6 at ngayon nagpapagaling sa isang pribadong pagamutan.

Ang lahat ng close contact ng mga nagpositibo ay agaran umanong isinailalim sa quarantine procedure.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *