Department of Agriculture-Bicol, nagbabala sa hindi tatalima sa ipinatupad na prize freeeze

NAGA CITY—Binalaan ng Department of Agriculture Bicol ang mga nagtitinda ng karneng baboy, baka at manok na kung hindi tatalima sa ipinatupad na Prize Freeze ay posibleng maharap sa 10 taon na pagkakakulong at multa na P1M .

Ito ang pahayag sa Brigada News FM Naga ni Emily Bordado, Spokesperson ng DA Bicol.

Hinikayat din ni Bordado ang mga mamimili na ireport sa 09395668973 ang mga retailers na hindi tatalima sa naturang kautusan.

Babantayan rin aniya ng kanilang Agribusiness and Marketing Assistance Division ang mga pamilihan kung ito ba ay nasusunod o hindi.

Base sa Prevailing Price ang presyo kada kilo ng karneng baboy sa Camarines Sur at Naga City ay dapat hindi hihigit sa P360.00.

Hindi rin dapat lalagpas sa P380.00 ang bentahan ng karne ng baka sa Camarines Sur at P350.00 naman sa Naga City habang dapat nasa P185.00 lang ang kada kilo ng karne ng manok epektibo May 12, 2021 na tatagal ng 60 araw.

Samantala, maaari nang magamit ng mga Local Government Unit ang kanilang Quick Response Fund kasunod ng pagdedeklara ng State of Calamity sa buong bansa.

Ani Bordado, dapat ilaan ng mga LGU ang pondo mula sa QRF para sa African Swine Fever o ASF response gaya ng pagbili ng mga kinakailangan sa disinfection ng mga kulungan ng baboy at maintenance ng mga ASF checkpoint.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *