Dalawang batang pinagtagpo noong 2010, muling nagkita makalipas ang 14 na taon

Sa buhay, minsan na nating naranasang may isang tao na sa hindi mo inaasahang pagkakataon ay makikilala mo.

Taong pagtatagpuin kayo at tanging tadhana lamang ang huhudyat kung hanggang saan at hanggang kailan kayo magsasama.

Sa isang pambihirang pagkakataon makaraan ang halos 14 na taon, muling nasilayan ng dalawang pinagtagpo, ang isa’t isa.

Sa isang sikat na dalampasigan sa Boracay, unang pinagtagpo ang noo’y mga batang sina Kyle at Marvin. Sakay ng isang maliit na rubber boat, bakas na bakas ang kasiyahan sa kanilang mga munting mukha.

Hinanap ni Kyle ang naging kaibigan niya sa isla para muling masilayan ang bawat isa.

Nang matagpuan niya si Marvin, muli nilang ni-reenact ang isang larawan na kuha pa noong 2010.

Isang mahiwagang pagkakataon na sana’y ‘yung mga taong minsan nang pinagtagpo ay muling masilayan ang bawat isa bitbit ang mga kwento ng kahapon na mananatiling buhay na buhay hanggang sa kasalukuyang panahon. ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *