Tuloy-tuloy na suplay ng tubig sa bayan ng Basud asahan sa sususnod na taon

CAMARINES NORTE – Magkakarooon na ng tuloy- tuloy na suplay ng tubig sa bayan ng Basud, Camarines Norte sa susunod na taon.

Sa pagharap ni Primewater Camarines Norte Branch Manager Engr. Johnson Chan sa regular na sesyon ng Sangguniang Bayan ng Basud, inilatag nito ang mga nakalinyang proyekto  na solusyon sa mahinang daloy ng tubig at madalas na pagkakaroon ng water interruption.

Kabilang dito ang gagawing 15 MLD pre- treatment facility na magreresolba sa problema ng water turbidity sa Mampurog river na nagiging dahilan ng water interruption hindi lang sa Basud kundi sa iba pang mga lugar na sineseRbisyuhan ng Dagotdotan Filtration Facility (DFF).

Ayon kay Chan, nai- award na ang proyekto at posibleng simulant ngayong Hunyo at matatapos sa Marso ng sususnod na taon.

Mayroon ding ilalagay na tangke sa Basud na may 500 cubic meter na tubig para kahit “peak” hours ay mayroong suplay ng tubig hanggang sa snetro.

Sa Basud din mapupunta ang 1. 5 sa 5 cubic meter na isu-suplay ng Hanabana at ito ay padadaanin sa 5 kilometer na bagong gawang pipeline.

Nagpaliwanag rin si Chan hinggil sa isyu ng mabaho at may kulay na lumalabas na tubig sa mga gripo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *