Damian Lillard, inangkin ang unang titulo sa NBA All-Star 3-Point Contest

Umiskor ng kabuuang 26 points si Portland Trail Blazers guard Damian Lillard sa final round ng NBA All-Star 3-Point Contest para angkinin ang kanyang unang titulo sa Salt Lake City.

Tinalo ni Lillard sina Indiana Pacers guards Buddy Hield (25 points) at Tyrese Haliburton (17) para maging unang manlalaro ng Trail Blazers na nanalo ng titulo.

Nakipagkumpitensya si Lillard noong 2014 at 2019 ngunit na-eliminate sa unang round.

Ang forward ng New York Knicks na si Julius Randle, Miami Heat guard Tyler Herro, Utah Jazz forward Lauri Markkanen, Sacramento Kings guard Kevin Huerter, at Boston Celtics guard Jayson Tatum ay pawang tinanggal sa unang round.

Si Lillard, na nag-shoot ng 37.2 percent mula sa 3-point range ngayong season, ay ang pangalawang shooter sa final round. Sinundan niya si Hield, na nanalo sa contest noong 2020.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *