Danao may babala sa SUV owner na sangkot sa viral hit-and-run incident sa Mandaluyong

Binalaan ni Officer-In-Charge PNP Chief PLt Gen. Vicente Danao Jr. ang may-ari ng sport utility vehicle (SUV) na nagviral matapos sagasaan at takbuhan ang isang security guard habang nagmamando ng trapiko sa Mandaluyong City.

Sa ginanap na press conference sa PNP Headquarters Camp Krame ngayong umaga, sinabi ni Danao na kahina-hinala ang mga aksiyon ng may-ari ng sasakyan lalo’t hangang ngayon ay hindi pa ito sumusuko sa mga otoridad.

Na-kwestiyon tuloy ng PNP chief na baka adik umano ang may-ari ng SUV na kinilalang si Jose Antonio San Vicente Sr.

Ayon kay Danao matinong tao ang gagawin ang ginawa ni San Vicente na alam nang nakabundol ay sasadyain pang sagasaan ang kanyang biktima.

Nagbabala din si Danao sa SUV owner na hintayin ang paglabas ng warrant of arrest ngayong may isinampa nang kaso ang kapulisan laba sa suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *