Daraga, Albay posibleng itaas sa High-Risk Classification ng Covid-19

LEGAZPI CITY – Hindi pa epektibo ang pagsasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) ang bayan ng Daraga dahil sa wala pang kautusan o direktiba mula sa Alkalde ng nasabing bayan.

Ayon kay Dr Ceasar Mata, head ng Municipal Health Office (MHO) Daraga, posible umano na mailagay sa high-risk classification na General Community Quarantine (GCQ) dahil sa patuloy ang pagtaas ng nagpopositibo sa Corona Virus Disease (COVID) 19.

Aniya, kunti lamang ang pagkakaiba ng MGCQ at GCQ kung saan babawasan nito ang capacity o gathering mula sa 70% ay maaaring gawin na lang ito na 30-50% na lang ang papayagan na makapasok.

Tanging nakikita nito ang pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa nasabing sakit ay nakakalimutan na ang social at physical distancing.

Naging kampante rin ang mga mamamayan matapos mabakunahan laban sa naturang sakit kung kayat nakakalimutan na rin ng mga ito ang minimum health standard protocols.

Sa ngayon ang Daraga ay umaabot na sa 975 confirmed case sa covd 19, 50 active cases, 884 recoveries at 40 ang nasawi sa covid 19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *