Sunday Lockdown magsisimula na sa Tiwi, Albay dahil sa Covid-19

LEGAZPI-Iimplementa na sa bayan ng Tiwi, Albay ang Sunday lockdown matapos maitaas ang bayan sa moderate Risk Classification dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa loob lamang ng 2 linggo.

Sa pinalabas na Joint Advisory ng Municipal Health Board, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council at Local Task Force on COVID , ito pa rin ang parte ng Omnibus Guidelines para sa  implementasyon ng Community Quarantine sa Pilipinas.

Ayon sa Advisory, isasagawa ang lockdown sa buong bayan ng Tiwi sa araw ng linggo na kung saan suspindido ang anumang religious gatherings/masses/fellowships.

Ito ay para limitahan ang pagkilos sa komunidad at panahon para maisagawa ang disinfection sa mga lugar.

Kasama lamang sa mga establishemento na papayagan na magbukas ang ang mga Private hospitals at clinics, Water refilling stations, Money transfer services, Drug stores, at mga Gasoline stations.

Samantalang, lahat naman na Authorized Persons Outside Residence (APOR) na nagtatranaho sa labas o loob ng bayan ang di kasama sa lockdown.

Ang lahat din na mga transporatsyon ang suspindido maliban sa mga iilan lamang na jeepneys na papayagan para m,aibyahe ang mga babyaheng APOR.

Sa ngayon, ang nasabing bayan ay may 21 isang aktibong kaso at sumampa na sa mag dadalawang raan ang kumpirmadong kaso simula noong nakaraang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *