Dating AFP chief of staff ni dating PRRD – tutol na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas

Naniniwala si Presidential Adviser on Peace, Reconcilation and Unit (OPAPRU) Sec. Carlito Galvez Jr. na hindi magandang ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.

Reaksyon ito ng Kalihim sa isinusulong ni dating pangulong Rodrigo Duterte na magsarili na ang Mindanao mula sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi niyang hindi dapat sundan ang mga mungkahing naglalayong i-‘destabilize’ ang bansa.

Ang panawagang paghiwalay ng Mindanao ay tumututol daw sa Konstitusyon, na siyang tanggulan ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino.

Labag din daw ito sa mga prinsipyo ng isang bansa na nakakikinabang at nakakatamasa na ng mga bunga ng kumprehensibong proseso ng kapayapaan na nagtapos sa mga dekadang armadong tunggalian sa Mindanao.

Kung maalala – naging AFP chief-of-staff, COVID-19 vaccine czar, at NTF cief implementer si Galvez sa ilalim ng Duterte administration.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *