Dating Negros Rep. Arnie Teves, inisyuhan na ng ‘e-warrant of arrest’

Naglabas ng e-warrant of arrest ang Manila Regional Trial court laban kay dating Negros Oriental Representative Arnolfo Teves para sa pagkamatay ni Gov. Roel Degamo.

Kabilang din sa e-warrant sina Angelo Palagtiw, Capt. Lloyd Cruz Garcia II at “Gie Ann,” na kinlala bilang kapatid ni Angelo.

Nagsilbi raw kasing lookout ang magkapatid na Palagtiw noong araw ng pamamaril, habang si Garcia naman ang pilot-in-command ng helicopter na naghatid sa mga suspek mula Dumaguete patungong Davao.

Sa parehong kautusan, naglabas din ang Manila RTC Branch 51 ng commitment order para sa paglipat ni Nigel Electona mula sa Manila City Jail patungo sa Metro Manila District Jail sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *