Pasado na sa committee level ng Senado ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act o Senate Bill 2432 na naglalayong proteksyunan ang mga magsasaka at mangingisda mula sa ilang mapansamantalang mangangalakal.

Sa ilalim ng batas, kikilalaning “economic sabotage” ang pagsasagawa ng hoarding, profiteering at cartel sa mga pang-agrikulturang produkto.
Ang mahuhuling lalabag dito ay sesentensyahan ng habang buhay na pagkakulong at multa na triple pa sa halaga ng “economic sabotage” na produkto.
Samantala, itinutulak na rin sa Senado ang pagsasagawa ng Economic Sabotage Council na siyang magiging responsable sa pagsasagawa ng quarterly report na ipapasa sa Congressional Oversight Committee on Agriculture and fisheries modernization (COCAFAM).