Dating PRRD, posible umanong madakip ng ICC sa loob ng 2 o 3 buwan ayon sa senador

Base sa tantiya ni dating Senador Antonio Trillanes,
posibleng madakip na ng International Criminal Court si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng dalawa o tatlong buwan kaugnay pa rin sa war on drugs ng dating administrasyon.

Sa kabila ng pagtutol ni Pangulong BongBong Marcos sa pag-imbestiga ng ICC sa bansa, sinabi ng dating senador na nakapasok na ang ICC noong December 2023 pa at natapos na aniya ang imbestigasyon kay Duterte.

Dagdag pa ni Trillanes, sapat na umano ang nakalap na ebisenya ng ICC laban sa dating Presidente kahit walang kooperasyon sa gobyerno ng Pilipinas.

Naniniwala rin si Trillanes na naging saksi ang taumbayan sa mga anomalya ni Duterte.

Nag-base rin aniya ang ICC sa mga pahayag mula sa mga foreign and local media na pinatotohanan ng mga larawan at lathala para makakuha ng mga ebidensya.

Paglilinaw naman ni Attorney Fred Mison, dating commissioner ng Bureau of Immigration,
pwedeng makapasok ang ICC sa Pilipinas na hindi idineklarang persona non grata.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *