DBM, aminadong hirap kuhaan ng pondo ang 1K na monthly pension sa indigent senior citizens

Tiniyak ng Department of Budget ang Management na hahanapan nito ng pagkukuhaan ng pondo ang dagdag na pensyon para sa mga indigent na senior citizens.

Ito nga ay makaraang mag-lapse into law ang panukala na layong itaas ang monthly pension ng mga mahihirap na nakatatanda mula P500 sa P1,000.

Sa isang panayam, sinabi ni Budget Undersecretary Goddes Hope Libiran na aminado silang mababa ngayon ang revenue ng bansa dahil sa mga epektong dulot ng pandemya ng COVID-19.

Dahil dito, kakaunti nalang umano ang kanilang legroom para mapondohan pa ang mga bagong proyekto kagaya na lamang ng pagtataas ng pensyon ng mga senior citizens.

Sa ngayon aniya, ilan sa mga inaaral nila na maaring pagkunan ng pondo para rito ay ang miscellaneous personnel benefits fund, pension gratuity fund, o ilan pang mga ujnprogrammed funds.

Bago ito, una nang nilinaw ni National Commission of Senior Citizens o NCSC Chairman Atty Franklin Quijano na bagamat batas na ang panukala – sa 2023 pa magiging epektibo ang implementasyon nito.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *