DBM, isusumite na sa Kongreso ang 2023 proposed national budget sa susunod na linggo

Nakatakda nang isumite ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kongreso ang first spending plan ng Marcos administration sa susunod na linggo.

Sa isang economic forum, inanunsyo ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na plano nilang isumite sa Lunes ang panukalang P5.268 trillion na national budget para sa taong 2023.

Mababatid na noong nakaraang July 28, 2022, unang iprenisenta ng DBM kay Pangulong Bongbong Marcos ang National Expenditure Program o NEP para sa susunod na taon.

Kaugnay nito, aminado ang kalihim na hindi naging madali para sa kanila ang paglalaan ng budget sa bawat ahensya dahil marami silang ikinokonsiderang inflationary pressures at external conflicts.

Tiniyak naman ni Pangandaman na ang proposed budget na ito ay sapat upang maipagpatuloy ng gobyerno ang mga programa at proyekto na nakatutok sa pagbangon ng mga Pilipino mula sa pandemya.

May tema ang 2023 NEP na “Agenda for Prosperity: Economic Transformation Towards Inclusivity and Sustainability.”
#

Leave a Reply

Your email address will not be published.