Death toll ng COVID-19 sa Bicol pumalo na ng halos 900; 21 bagong kaso naiulat ngayong araw

BICOL—Pumalo na sa 897 ang death toll ng COVID-19 sa Bicol region matapos na madagdagan ng pitong bagong nasawi.

Tigdadalawa nito ang lalawigan ng Camarines Sur, Masbate at lungsod ng Naga at isa naman na mula sa labas ng Bicol.

Samantala, kaunting bagong kaso lamang ang nadagdag na umabot sa 21 dahil ayon sa DOH may ilang lalawigan ang hindi pa nakapagsumite ng specimen nitong weekend.

18 nito ay mula sa Camarines Sur kung saan walo nito ay mula sa lungsod ng Naga, tigdadalawa ang mga bayan ng Goa, Ragay at lungsod ng Iriga at tig-iisa ang mga bayan ng Bula, Calabanga, Camaligan at Sipocot.

Dalawang bagong kaso naman ang naitala sa Masbate na mula sa bayan ng Aroroy at San pascual habang isang kaso naman ang nadagdag sa lalawigan ng Sorsogon na mula sa Sorsogon City. Zero new cases ang mga lalawigan ng Albay, Camarines Norte at Catanduanes.

Sa kabuuan ay umaabot na sa 23,610 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa rehiyon. 19, 245 na nito ang mga gumaling matapos na madagdagan ng 11 panibagong gumaling na pawang mula sa lalawigan ng Sorsogon.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.###  || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *