Delta variant ng COVID- 19 naharang na umano sa border

CAMARINES NORTE- Naharang na umano sa border ng bansa ang delta variant ng COVID- 19.

Ito ang tugon ni Dr. Aurora Teresa Daluro, Medical Specialist III ng Department of Health (DOH ) Bicol nang matanong kung may naitala na bang kaso nito sa alinmang panig ng Bicol Region sa isinagawang daily COVID- 19 update nitong Martes.

Ayon kay Daluro, ang Bureau of Quarantine ang siyang in- charge sa international surveillance and borders at batay umano sa pahayag ni Usec Maria Rosario Vergeire ay nasala na sa border pa lang ang nabanggit na variant.

It is the international border po na pinag uusapan po natin so nasala na po sa border pa lamang,” ani Daluro.

Dati na ring sinabi ni Vergeire na wala pang ebidensiyang nagpapakitang mas nakamamatay ang Delta variant pero may mga pag-aaral na nagpapakitang lubos itong nakakahawa.

Ilan naman sa bakuna na nagpakitang nakapagbibigay ng proteksiyon laban sa Delta variant, ay ang mga gawa ng Pfizer at AstraZeneca.

Muli namang nagpaalala ang DOH sa pagsunod sa health protocols upang makaiwas sa sakit.

Ani Daluro, nakalatag naman na ang kanilang mga paalala patungkol sa mga kaalaman sa COVID- 19 at kung paaano ito masusugpo.

Aniya, malaking tulong ang pagsunod sa health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield, social distancing, palagiang paghuhugas ng kamay at bakuna upang makontrol ang community transmission.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *