Demolisyon ng Balogo gymnasium bahagi ng planong pagsasaayos ng mga edispisyo sa nasabing barangay

SORSOGON CITY – Ginigiba na ang gymnasium ng Barangay Balogo.

Ang demolisyon ng nasabing edipisyo ay bilang bahagi ng planong maisaayos ang mga pasilidad sa nasabing barangay.

Batay sa plano, magtatayo pa rin ng gymnasium subalit ito’y itatayo na sa bagong lokasyon habang sa espasyo naman ng ginibang pasilidad itatayo ang bagong Barangay hall, health center at bakery ng barangay.

Paghahanda na rin ito sa pagdaraos ng Palarong Pambansa na posibleng maganap sa susunod na taon kung saan ang lalawigan ang nakatakdang maghost nito.

Bukod sa nasabing layunin, mahalaga rin ang agarang konstruksyon ng bagong gymnasium dahil ginagamit ito bilang evacuation center sa mga panahon ng  kalamidad tulad ng bagyo.

Matatandaan na anim na taon din na nagamit ng barangay ang nasabing gymnasium.

PHOTO: Brigada News FM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *