CAMARINES NORTE – Isinailalim sa maikling seminar nitong Lunes, August 7 ng Philippine National Police Highway Patrol Group ang mga kawani ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa lalawigan ng Camarines Norte patungkol sa anti- carnapping tips at mga bagong modus operandi ng masasamang loob.
Kabilang sa mga tinalakay ni PCapt Miguelio Borromeo ang modus ng mga kawatan tulad ng rent- tangay scheme, rent- sangla- scheme, assume balance/Pasalo- Benta scheme at Pasalo/benta- bawi scheme.
Ilan din sa modus ng mga kawatan ay ang tinatawag na loan accommodator scheme at labas- casa- scheme.
Ayon kay OIC- DENR Provincial Environment and Natural Resources Officer (PENRO) Nestor Franz Fortuno malaking tulong ang maikling seminar tungkol sa anti- carnapping lalo’t marami sa kanilang mga empleyado ay may sasakyan o kaya ay may motorsiklo.
Malaking tulong aniya ang mga kaalamang naibahagi sa kanila ng HPG para hindi mabiktima ng mga nabanggit na modus.
