Ilang estudyante sa sekundarya isinailalim ng Comelec sa Know Election Better Seminar kasabay ng pagdiriwang ng Boys and Girls Week

CAMARINES NORTE – Isinailalim ng Commission on Election sa Know Election Better (KEBS) Seminar ang ilang estudyante sa sekundarya na ginanap sa bayan ng Basud, Camarines Norte kamakalawa.

Tinalakay ni Election Officer III Annelyn Abanes ang ilang mahahalagang paksa patungkol sa halalan at ang papel na ginagampanan ng mga kabataan sa pagpili ng mga susunod na lider sa Barangay at sa kanilang hanay.

Ipinaliwanag ni Abanes ang tungkol sa filing of certificate of candidacy na magsisimula sa August 28 hanggang September 2 at ang qualifications ng mga tatakbo sa pagka Punong Barangay at Kagawad.

Kabilang sa qualifications na dapat taglay ng mga kandidato sa Barangay at SK elections ay ang mga sumusunod; Filipino citizenship, registered voter sa Barangay kung saan kakandidato,  pagiging residente ng barangay sa loob ng isang taon bago ang araw ng eleksyon,  kakayahang magbasa at magsulat sa Filipino, Ingles at lokal na wika, dapat ang edad ay 18 anyos sa araw ng halalan.

Para naman sa SK ay Filipino citizenship, kwalipikadong botante sa Katipunan ng Kabataan, residente ng Barangay nang hindi bababa sa isang taon bago ang araw ng eleksyon, edady 18-24 anyos sa araw ng halalan, kakayahang magbasa at magsulat sa Filipino, Ingles at lokal na diyalekto, walang kaugnayan sa dugo o kasal hanggang sa second civil degree sa mga nakaupong opisyal alinsunod sa probisyon ng anti-dynasty law at hindi convicted sa anumang krimen na may kinalaman sa moral turpitude.

Itinaon ang KEBS Seminar sa pagdiriwang ng Boys and Girls Week  na naglalayong ma- expose ang mga kabataan sa mga ginagawa ng public officials.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *