DENR nanawagan sa mga LGU na magsagawa ng assessment sa mga puno lalo na sa tabi ng kalsada na maaaring magdulot ng disgrasya

CAMARINES NORTE – Nanawagan ang Department of Environment and Natural Resources sa mga Local Government Unit na magsagawa ng assessment sa mga puno lalo na sa tabing kalsada na maaaring magdulot ng panganib sa buhay at ari- arian.

Ayon kay OIC Provincial Environment and Natural Resources Officer (PENRO) Nestor Franz Fortuno nagbibigay naman sila ng permit to cut sa mga punong posibleng magdulot ng disgrasya.

Ginawa ang pahayag dahil sa magkakasunod na insidente ng pagkatumba ng puno sa lalawigan ng Camarines Norte kung saan ang nabagsakan ay mga sasakyan.

Noong Martes, tatlo ang sugatan makaraang mabagsakan ang pick- up habang binabaybay ang kalsada sa Barangay Capacuan, Paracale na nangyari sa kasagsagan ng pag ulan.

Kahapon ay isang kahalintulad na namang insidente ang nangyari sa bayan naman  ng Labo.

Ayon kay Fortuno may mga punong kahoy talaga na marupok na sa kaunting hangin at ulan ay bumabagsak tulad ng acacia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *