Department of Science and Technology at Department of Agrarian Reform nagturn-over ng 30 Portasol Solar Dryer sa 16 na organisasyon sa unang distrito

CAMARINES NORTE- Nagturn-over ng 30 Portasol Solar Dryer sa 16 na organisasyon sa unang distrito ang Department of Science and Technology at Department of Agrarian Reform

Ito ay tugon umano sa pangangailangan ng iba’t ibang organisasyon partikular sa sektor ng magsasaka

Sa naturang programa, ang DOST ang syang mangunguna sa pagsasanay ukol sa proper handling and operation ng ekipahe, technical assistance, gayundin ang magsasagawa ng regular na monitoring and evaluation.

Adhikain umano ng DOST na matulungan ang mga Agrarian Reform Beneficiaries Organizations (ARBOs) sa pamamagitan ng pag-adopt ng makabagong teknolohiya at pag upgrade ng kanilang ekipahe at makinarya. 

Ang naturang proyekto o “Upgrading the Drying Process ng Palay through Portasol Technology” ay nagkakahalaga umano ng 630,000 na naglalayong matulungan ang mga magsasakang mapabuti ang kalidad ng dried palay gayundin ang pag aadopt ng mas “hygienic” na drying process at storage.”

Ang Portasol din ay “stackable set of thermal drying trays” na kayang mag-accommodate ng hanggang 150 kilos ng tutuyuing palay.

Layon din nitong palitan ang tradisyunal na pamamaraan tulad ng pagtutuyo sa kalsada kung saan maraming palay ang nasasayang at peligroso rin para sa mga magsasaka at motorista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *