OLONGAPO- Hanggang bukas na lamang ang Early Registration o Agap-Lista ng Department of Education.
Ito ay para sa mga papasok sa Kindergarten, Grade 1 at Grade 7 para sa school year 2021-2022.
Pinapaalalahanan ang mga magulang na maaaring makipag-ugnayan sa mga focal person ng bawat school kung hindi pa naipaparehistro ang mga anak.

Matatandaan na nagsimula ang early registration ng Deped noong March 26 at tatagal lamang ng hanggang April 30.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO