DepEd, bubuo ng komite para imbestigahan ang anomalya sa maternity leaves ng mga guro

Bumuo ang Department of Education (DepEd) ng fact-finding committee na siyang mag-iimbestiga sa hinihinalang “maternity leave” scam kung saan ang mga guro ay nagpa-file ng leave labing-isang beses sa tatlong taon.

Ayon kay DepEd spokesman Atty. Michael Poa, kabilang sa bubuoing panel ay mga opisyal ng DepEd regional offices, at hindi school division offices, upang mapanatili ang walang kinikilingan na imbestigasyon.

Una sa layunin ng komite ang pag-check sa records ng maternity leaves, at pagsiyasat kung ang guro ba ay tunay na nangdadalang tao at nanganak na.

Nagpakita naman ng mga dokumento DepEd-TAPAT Curriculum Implementation Division Chief Dr. Ellery Quintia, kung saan napag-alaman na ang isang guro ay nakatanggap ng P35, 000 hanggang P61, 000 mula 2016 hanggang 2019 nang ito ay mag-file ng maternity leave.

Noong 2019, sinabi ni Quinta na ilang mga personnel ang nakapansin ng anomalyang pagpa-file ng maternity leaves.

Aniya, naghain na ng joint report ang mga bookkeeper tungkol sa naturang issue.

Hinimok naman ni Poa ang whistleblowers na may alam sa naturang scam na magbigay ng sentimyento.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *