DepEd kinikilala ang ‘learning losses’ dahil sa kawalan ng face-to-face classes

Aminado ang Department of Education na apektado ang kalidad ng edukasyon ng mga estudyante ngayong nagpapatuloy ang blended learning sa bansa bunsod ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan na kinikilala nila ang umano’y mga learning losses sa sistema ngayon ng pagtuturo.

Ayon kay Malaluan hindi lang naman kasi ito isyu ng edukasyon kundi isa ding usapin ng public health.

Umalma din ang opisyal sa mga nagsasabing kasama ang Pilipinas sa apat na bansa sa buong mundo na hindi pa bumalik sa face-to-face classes simula nang pumutok ang pandemya.

Paliwanag ni Malaluan, maituturing na misleading ang pagdadawit sa bansa sa mga hindi pa bumalik sa face-to-face classes gayung hindi pa naman talaga bumalik sa full scale ang klase sa mga paaralan sa ibang bansa.

Sa katunayan marami umanong paaralan ang nagka problema at kalaunan ay nagsara din matapos tamaan ng COVID-19 ang mga estudyante katulad nang nangyari sa Estados Unidos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *