6 na preso sa Israel, 9 na buwang naghukay ng tunnel para makatakas

Northern Israel— “Maghukay ay di biro, maghapong nakayuko.” Tila iyan ang bagay na awitin sa anim na mga Palestinong preso sa Nothern Israel na naghukay ng tunnel sa loob ng siyam na buwan upang makatakas lamang sa bilangguan.

Ayon sa report, Disyembre nitong nakaraang taon nang mag-umpisang hukayin ng anim na mga inmates sa Gilboa Jail ng nasabing bansa, ang isang escape tunnel mula sa bahagi ng kanilang selda.

Ginamit umano ng mga ito sa paghuhukay ang kutsara, plato at hawakan ng takure upang makagawang daan mula sa ilalim ng bilangguan papalabas dito.

Disyembre 14 nang kanilang simulan ang paghuhukay at nitong nakaraang Setyembre 6 nang sila ay tuluyan nang tumakas.

Agad namang nagkasa ang mga otoridad ng malawakang manhunt operation at kalaunan ay muli nilang naaresto ang apat sa mga pumugang preso habang kasalukuyan pang pinaghahanap ang dalawa sa mga ito.

Ayon sa abogado ng isa sa mga preso, sinabi ng kanyang kliyente na si Yacub Qadri na bagama’t nahuli silang muli, masaya naman umano siya at nakapaglibot-libot siya sa Israel sa loob ng limang araw.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *