DepEd personnel naging “choosy” sa brand ng bakuna

CAMARINES NORTE- Aminado ang Department of Education (DepEd) na naging “choosy” ang ilan nitong personnel sa brand ng bakuna.

Ayon kay Schools Division Superintendent Nympha Guemo hindi masyadong marami ang nagpabakuna lalo na sa unang batch ng bakunahan dahil noong panahong iyon ay Sinovac ang available.

Sinabi ito ni Guemo sa isinagawang Talakayan sa PIA kung saan tinalakay ang ginagawang paghahanda ng DepEd hinggil sa pagbubukas ng face to face classes.

Nagkaroon kasi ng special vaccination drive para sa teaching and non- teaching personnel makaraang payagan ng Department of Health.

Ito ay matapos na makapasa ang School Health personnel sa simulation exercises.

Ayon kay Guemo mahalaga na bakunado ang mga guro dahil isa ito sa requirements para sa limited face to face classes.

Nabanggit din umano noon ng Malacanang na simula sa Disyembre ay magiging mandatory na ang bakuna sa mga kawani ng gobyerno o kaya ay regular itong sasailalim sa RT- PCR test.

Mababatid na nagkaroon ng tatlong batch ng pagbabakuna sa mga guro at ang huli ay AstraZeneca ang ginamit na brand sa  pagbabakuna.

“Only that ang nangyari ang available that time is Sinovac, since it is not mandatory and some of our co- workers in the field eh kumbaaba they are quite choosy in terms of brand.”, ani Guemo.

Magiging prioridad umano ng DepEd na mabakunahan ang mga guro at non teaching personnel bilang paghahanda sa expanded limited face to face classes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *