DepEd umaasang aaprobahan ng Comelec ang hirit nitong taasan ang honorarium para sa mga gurong magsisilbi sa darating na eleksyon

CAMARINES NORTE – Umaasa ang Department of Education (DepEd) na aaprobahan ng Commission on Elections (Comelec) ang hirit nitong taasan ang honorarium ng mga guro maging ng mga non- teaching personnel na magsisilbi sa May 2022 elections.

Sa isang panayam, sinabi ni Schools Division Superintendent Nympa Guemo na hiniling ng DepEd Central Office sa pamamagitan ni Education Secretary Leonor Briones sa Comelec na mabigyan ng karagdagang kumpensasyon ang mga guro.

Batay aniya sa isinumiteng proposal P9, 000.00 ang inirekumendang honorarium sa Chairperson ng Electoral Board, P8, 000.00 sa member, P7,000.00 sa Department of Education Supervisor Official (DESO) at P5,000.00 naman sa Support Staff.

Paliwanag ni Guemo na kung tutuusin ay hindi talaga mababayaran ang hirap at pagod ng mga guro sa tuwing eleksyon.

“Hopefully yun po ay ma-approve ng sa ganun ay alam naman natin na hindi na talaga kayang bayaran ang hirap at pagod ng mga teachers natin kapag mayroong election,” ani Guemo.

Sa ngayon ay mag uumpisa na ang Comelec na gumawa ng listahan ng mga mga gurong nagnanais na magsilbi sa eleksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *