Ikalawang round ng Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity ginagawa ngayon ng DOH

CAMARINES NORTE – Nagsasagawa ngayon ang Department of Health (DOH) ng ikalawang round ng Oral Polio vaccination o supplemental immunization para masigurong may proteksyon ang mga bata laban sa Polio.
Target na mabakunahan ngayon ay ang mga batang edad 0- 59 months old.


Ayon kay DOH Bicol National Immunization Program Regional Manager Dr. Monrey Isaiah Mancilla, gagawin ang pagbabakuna sa lahat ng health centers, birthing facility lying in facilities, ospital at pwede ring magbahay- bahay ang mga health workers.

Nagsimula ang ikalawang round ng Oral Polio Vaccination noong Lunes, May 17 na tatagal hanggang May 28 ng taong kasalukuyan.


Nilinaw naman ni Mancilla na hindi buong Bicol ay magkakaroon ng supplemental immunization activity.
Nagsagawa na rin kasi nito noong isang taon at karamihan umano sa mga munisipyo ay nakapagtala ng 90- 95 % immunization coverage.

May mga lugar lang umanong kailangan ma magkaroon ng round 2 dahil sa mga nangyaring bagyo kaya’t kailangang bumawi ngayong taon.


Target ng supplemental immunization activity sa Camarines Norte ang nasa 49, 647 na mga batang 0- 59 months old.
Ang mga lugar na kasama sa supplemental immunization activity ay ang Capalonga, Daet RHU 1- III, San Lorenzo Ruiz, Jose Panganiban RHU 1- II, Paracale, San Vicente, Sta Elena, Talisay at Vinzons.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *