DICT, nagbabala sa pekeng social media website na anyong Friendster

Nagbabala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) tungkol sa viral na phishing site na nagpapanggap na bagong version ng dating social network na Friendster.

Sinabi ng DICT na kahit mukhang makatotohanan ang website, ang IP address ‘di umano nito ay may reports na ng cybercrime gaya ng phishing.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng DICT, napag-alaman na bukod sa phishing, may history rin ng hacking at host exploitations ang website.

Kapansin-pansin din na walang “About Us” ang page ng mga ito, dahilan upang hindi makilala ang mga developers ng website.

Panawagan ng ahensya, huwag mag-click ng mga links na kahina-hinala.

Huwag din anilang mag-register sa nasabing website upang hindi ma-kompormiso ang personal data. // SMM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *