Division Chief ng PALECO, arestado dahil sa reklamo ng mataas na singil sa aplikasyon ng kuryente

Kulong ang isang alyas “Garry Panson”, Member Services, Division Chief ng Palawan Electric Cooperative matapos mahuli sa entrapment operation ng Police Station 2.

Ayon sa Puerto Princesa City Police Office, ganap na 5:09 ng hapon nitong Lunes, August 15, 2022 nahuli sa operasyon ang tauhan ng PALECO.

Isang negosyante ang nagsumbong sa awtoridad tungkol sa “demand” ng suspek tungkol sa aplikasyon ng biktima sa linya ng kuryente.

Napag-alaman ng biktima na sobrang taas ang hinihingi ni Garry ng P590,000.00 sa halip na P300, 000.00 lamang.

Dahil sa reklamo ay agad na nagkasa ng entrapment operation ang Police Station 2 na pinangunahan ni PLT. BRYAN T. RAYOSO, Chief Investigation sa pamatnubay ni PMAJ. NOEL MANALO sa Viet Ville Bgy. Sta. Lourdes, Puerto Princesa City.

Sa lugar, hindi na nakapalag pa Garry nang arestuhin ng pulisya kung saan narekober sa kanya ang boddle money.

Nang hanapan ng PCAB license ay aminado itong walang lisensya at hindi aniya siya awtorisado na mangolekta ng bayad sa ngalan ng PALECO.

Nahaharap si Garry sa Estafa at paglabag sa Sec. 35 ng Republic Act 4566 (“Contractors’ License Law”) at paglabag sa Art. 178 of RPC (Using fictitious name and concealing true name)

Kaugnay nito, ikinalungkot ng PALECO ang pagkakahuli ng empleyado pero mag-iimbestiga ang kooperatiba tungkol dito.

Gayunpaman, sa teller umano ng PALECO dapat nakikipag-transaksyon at nagbabayad ang may aplikasyon sa electric connection at hindi sa member services, ayon kay Ms. Vicky Basilio ng PALECO.

Samantala, hiniling ni Basilio sa member- consumers na mag-report sa management kung mayroong iba pang impormasyon o katiwalian na nalalaman sa empleyado ng kooperatiba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *