DMW: mahigit 80 Japanese employers, planong mag-hire ng maraming Pinoy skilled workers

Ibinahagi ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople na magbubukas ang Japan ng mas maraming trabaho para sa mga Filipino skilled workers.

Ang anunsyo ni Ople ay kasunod ng pulong nito sa mga kinatawan ng mahigit 80 Japanese employers, na umano’y nagpahayag ng interes na palakasin ang kanilang manpower kasama ang mga Filipino workers.

Si Ople, ay kabilang sa mga official delegation ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang five-day visit sa Japan.

Ang naturang pulong sa mga employers ay sinundan ng dayalogo ng mga workers na employed sa Japan sa ilalim ng Technical Internship Training Program (TITP) at Special Skilled Worker (SSW) programs. Ang TITP ay naglalayung tanggapin ang mga workers mula sa iba’t-ibang bansa para makuha ang industrial at vocational skills sa Japan at makatulong sa improvement ng kanilang occupational lives, sa oras na bumalik sa kani-kanilang home countries, habang ang SSW naman, ay nagpapahintulot sa Japanese government na mag-recruit ang mga kwalipikadong foreign workers upang mapunan ang employment quotas sa 14 na industrial fields.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *