Pilipinas at Indonesia, palalakasin ang kooperasyon laban sa transnational crime

Sinimulan na ng liderato ng Pilipinas at Indonesian police ang pagbuo ng standard procedures para lalong mapalakas ang pagsasagawa ng joint police training at operasyon, sa layunin na labanan ang transnational ng dalawang mga bansa.

Ayon kay Gen. Rodolfo Azurin, Jr., chief ng Philippine National Police (PNP), na ang discussionay ginawa sa gitna ng kanilang pulong ni Indonesian National Police (INP) International Relations Divison ng Indonesian National Police, Police Brigadier General Amur Chandra Juli Buana sa sidelines ng 24th Asian Regional Conference of the INTERPOL General Secretariat sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Dagdag ni Azurin, na ang parehong police forces ay bumup ng mga procedure sa pagsasagwa ng hot pursuit operations sa territorial waters, at guidelines para sa handover ng mga criminal suspects.

Matatandaan na ang PNP at INP ay lumagda ng Memorandum of Understanding noong Dec. 12, 2022 na naglalayung maipagpatuloy ang pagsasagawa ng maritime joint exercises (PHILINDO JCM and MARLEX), capacity-building training/courses, at security assistance para mapalakas ang anti-crime campaign ng dalawang mga bansa

Ang joint initiative ng dalawang police forces ay para mapigilan at makontrol ang transnational crime activities kabilang na ang drug trafficking, terorismo, arms smuggling, human trafficking, maritime piracy, cyber crimes, commercial crimes, credit card fraud, fraudulent travel documents, at iba pang uri ng commercial at financial fraud.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *