DOH-4A, naka-code white alert dahil sa vog

Nakataas hanggang bukas ng Linggo, September 24, ang idineklarang “code white alert” ng Department of Health – Center for Health Development – CaLaBaRZon kasabay sa nararanasang Volcanic Smog o vog mula sa Bulkang Taal.

Ayon kay DOH CaLaBaRZon Regional Director Ariel I. Valencia, itinaas nila ang alert status nitong Huwebes, September 21 kasunod sa pagtaas ng sulfur dioxide (SO2) emission mula sa bunganga ng bulkan.

Ang code white alert status ay tumutukoy sa kahandaan ng bawat hospital workforces kabilang ang general/orthopedic surgeons, anesthesiologists, internist, operating room nurses, ophthalmologist, at iba pang espesyalista para magresponde sa emergency situation.

Kaugnay nito ay pinayuhan ng ahensya ang publiko na huwang nang lumabas ng bahay at magsuot ng face mask para maiwasan ang anumang respiratory infection.

Samantala, ikumpara kahapon ay humupa ngayong araw ng Sabado ang vog na nararanasan ng mga bayan at lungsod na nakapaligid sa bulkan.

Batay sa inilabas na Phivolcs advisory ngayong Sabado, naitala ang 2,730 tonelada ng SO2 emission sa nakalipas na 24 oras kahapon.

Nananatili sa Alert 1 ang status ng bulkan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *