DOH, nakapag-detect ng 671 na bagong kaso ng omicron subvariants

Nakapag-detect ng 671 na bagong kaso ng omicron COVID-19 subvariants ang Department of Health.

Ang mga resulta ng mga samples, na pinroseso ng University of the Philippines-Philippine Genome Center noong February 27 ay inilabas kahapon ng DOH.

Ayon sa DOH , mula sa nabanggit na bilang, 468 ang inuri bilang BA.2.3.20, 149 bilang XBB, 9 bilang XBC, 8 bilang BA.5, 4 bilang BN.1, at 33 bilang iba pang mga sublineage ng omicron.

Kasama sa mga bagong kaso ng XBB ang 3 kaso ng XBB.1.5 at ang mga kaso ng BA.5 ay kinabibilangan ng 6 na kaso ng BQ.1.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *