DOH, tinaasan ang daily COVID-19 vaccination rate

Tinaasan ng Department of Health (DOH) ang kanilang daily vaccination target ng booster shots laban sa COVID-19, matapos na bigong maabot ang goal para sa unang linggo ng PinasLakas program.

Ang PinasLakas program na inilunsad noong July 26, ay naglalayung makapagturok ng booster shots sa 23 million individuals o kalahati ng eligible population sa loob ng unang 100 araw ni President Ferdinand Marcos Jr. hanggang sa October 8.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, na ang kanilang naabot mula sa unang araw ng paglunsad ay nasa 384,000 pa lamang para sa unang booster.

Dahil dito, sinabi ni Vergeire, na ang bagong target ay makapagturok ng booster dose sa 20,774 seniors at 443,892 individuals per day hanggang sa October 8.

Kaugnay nito, may kabuoang 15,468 vaccination sites ang itinalaga para sa PinasLakas campaign as of August 4.

Leave a Reply

Your email address will not be published.