DOH: Walang dapat ikaalarma sa pagtaas sa kaso ng COVID-19 ngayong linggo

Pinawi ng Department of Health ang pagkaalarma kaugnay sa pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong linggo.

Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, ang lahat ng mga areas ay nananatiling nasa ilalim ng low-risk case classification, habang ang hospital admission rates ay patuloy namang manageable.

Nabatid na mula Nov. 7 hanggang 13, may average na 1,296 daily infections na naitala sa bansa, na 43 percent na mas mataas kumpara sa naunang linggo nito.

Samantala, sa kabila na malayo na ang narating ng bansa pagdating sa pag-manage sa viral transmission at disease severity, nagpaalala parin si Vergeire na panatiling maging maingat, dahil papunta na sa endemic stage ang COVID-19. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *