DOJ ipinag-utos sa NBI itigil ang operasyon sa mga POGO sa gitna ng isyu ng extortion

Ipinag-utos ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa National Bureau of Investigation na ihinto ang mga operasyon kung saan target nito ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ito ay sa gitna nang mga reports ng umanoy talamak na extortion activities sa mga chinese national na nagtra-trabaho sa mga POGOs.

Ayon kay Remulla inatasan na niya si NBI officer-in-charge Medardo De Lemos na wala munang magsasagawa ng mga operasyon dahil sa pangit na reputasyon na nakukuha dito ng gobyerno.

Dagdag pa ni Remulla may nakarating sa kanyang mga report na lumalabas na ‘hulidap’ ang mga nangyayaring operasyon ng NBI.

Kailangan umanong mahinto na ang ganitong klaseng kalakaran bagama’t tumanggi munang magbigay ng komento ang Justice Secretary kung meron bang sangkot na malalaking opisyal ng NBI.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *