DOLE-Bicol, nagpaalala sa mga naghahanap ng trabaho laban sa mga local illegal recruiters

LEGAZPI CITY— Binalaan ng DOLE-Bicol ang mga icolano na maging mapanuri sa kanilang paghahanap ng trabaho ngayong panahon ng pandemya dahil talamak pa rin ang mga illegal recruiters sa rehiyon.

Sa pakikipag panayam ng Brigada News FM- Legazpi kay Johanna Gasga, ang Regional Information Officer ng Department of Labor and Employment (DOLE-Bicol), sinabi nito na suriin dapat nang mabuti ng publiko ang inaapplayan na trabaho ngayong pandemya dahil sa mga mapagsamantalang illegal recruiters.

Aniya mayroon isang bicolana ang na biktima rito na nagkaroon umano ng conversation kung saan mayroong nangyaring front fee para sa pagpoproseso ng mga dokumento o requirements.

Dahil dito agad na nagpalabas ng advisory ang ahensya matapos makapagtala ng isang kasong ng local illegal recruiters.

Dagdag pa nito, nagbigay rin ng ibat ibang uri ng tips ang DOLE sa paghahanap ng trabaho upang hindi na maloko o mabiktima ng mga illegal recruiters sa pamamagitan ng online job seekers, social media or facebook.

Una ay dapat na malaman nito na walang maling spelling o grammar sa online, email address na dapat tugma sa kompanya, iwasan din ang mga humihingi agad ng bayad sa nag aapplay ng trabaho at marami pang iba.

Sinabi pa ng opisyal na kung mayroon man na kahina-hinala na kompanya maaari naman ipaabot sa ahensya o sa mga awtoridad upang mabigyan ng mabilisang aksyon.##

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *