Doping reports ng mga Chinese swimmers noong Tokyo Olympics, fake news – China

Tinawag ng China na “fake news” ang mga ulat tungkol sa 23 Chinese swimmers na nagpositibo sa ipinagbabawal na gamot noong 2021 para sa Tokyo Olympics.

Ito’y matapos batikusin ng mga ilang media ang China nang inlabas nila ang ilang confidential documents.

Ayon sa mga kumakalat na balita, nagpositibo ang mga atleta para sa trimetazidine (TMZ), isang de-resetang gamot sa puso na ipinagbabawal sa mga atleta dahil maaari itong makaapekto sa kanilang performance.

Giit ni foreign ministry spokesman Wang Wenbin, matagal nang naresolba ang isyu na ito, at sinabi na ng world anti-doping agency (WADA) na kulang ang ipinrisentang ebidensya hinggil rito.

Pinahintulutan rin ang mga manlalangoy na lumaban sa Tokyo matapos napagalamang hindi nila sinasadyang mainom ang gamot bago ang kompetisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *