DOT Bicol, may paalala sa mga LGU tungkol sa posibilidad na muling magkaroon ng mga insidente ng pagkalunod ngayong hindi pa natatapos ang summer season

LEGAZPI CITY – Mahaba-haba pa umano ang tag-init o ang summer season ngayon ayon sa Department of Tourism (DOT) Bicol. Dahil dito, nagpapaalala ang ahensya sa lahat ng mga lokal na pamahalaan sa buong rehiyon tungkol sa mahigpit na pagmomonitor.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay DOT Bicol Regional Director, Herbie Aguas, sinabi niya na kinakailangan na niya ang tulong ng mga lokal na pamahalaan hanggang sa barangay na lebel na bantayan o higpitan ang monitoring sa mga iskursyunista sa mga lugar.

Aniya, maraming mga dadayo sa mga dagat at hindi na matututukan ng ahensya ang mga ito sapagkat ang saklaw nila ay ang mga private resorts, at hotels.

Nasa pamumuno na umano ng mga LGUs at barangay ang mga pampublikong paliguan kaya’t nakikiusap na siya sa mga ito na magmonitor upang mabawasan na ang mga insidente ng pagkalunod.

Ayon sa kanya, halos magtatatlong taon din mula nang nagsara ang turismo dahil sa pandemya, kung kaya’t marami ang nagsipagdagsaan sa mga dagat upang magswimming nang maging bukas na ito sa publiko, at may ilan ding di naiwasan ang mga nasabing insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *