DPWH Bicol, naghihintay na lamang umano sa mga LGUs para sa magiging lokasyon ng mga itatayong evacuation centers

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bicol na mayroon nang ini-release ang general appropriation act tungkol sa PHP 70M pondong na ilalaan para sa pagpapatayo ng evacuation centers, kaya lamang sa ngayon ay wala pa naman silang lokasyon ng pagtatayuan.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay DPWH Bicol spokesperson, Lucy Castañeda, naghihintay sila sa mga local government units (LGU) ng bawat bayan at lunsod sa rehiyon kung mayroon silang mga request.

Gayundin naman ay naghihintay pa rin sila sa guidelines na ibababa sa kanila ng central office.

Aniya, sa kasalukuyan din ay hindi pa nila nalalaman ang kinakailangang sukat ng lote na magiging lokasyon sa nasabing gusali.

Dagdag pa niya, kadalasan umano, ang magiging lote nito ay kailangang i-provide ng mga LGU.

Samantala, sa datos naman ng ahensya, mula noong taong 2019-2022, mayroon nang 12 evacuation centers ang naipatayo sa Albay; tig-4 sa Camarines Sur at Masbate; 16 sa Camarines Norte; 3 sa Catanduanes habang 10 naman sa Sorsogon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *