DPWH Camarines Norte ilulunsad ang Oplan Lakbay Alalay simula ngayong araw para sa Semana santa

CAMARINES NORTE- Ilulunsad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) simula ngayong araw, April 5, ang Oplan Lakbay Alalay para gumabay sa mga biyahero papasok at palabas ng lalawigan ngayong Semana Santa.

Ayon kay District Engineer Edwin Bermal ng First Engineering District ito ay bilang pagpapakita umano ng malasakit ng ahensiya sa mga bi-biyahe ngayong Semana Santa at masiguro ang kanilang kaligtasan.

Kumpara noong mga nagdaang taon, may ilang mga pagbabago sa paglalagay ng motorist assistance center.

Hindi maglalagay ng motorist assistance center sa Tabugon o sa boundary ng Camarines Norte at Quezon dahil mayroon na umanong ilalagay na malapit dito ang nakakasakop na engineering district ng huli.

Sa halip ay maglalagay umano ng motorist assistance center pagpasok na ng Labo.

Tiniyak ni Bermal na mayroong composite team na idedeploy ang DPWH 24 oras.

Ito aniya ay bilang anticipation sakaling mayroong masiraang sasakyan at mga biyahero na nagangailangan ng tulong.

Bahagi na rin umano ito ng routine ng ahensiya tuwing mayroong mga kaabalahan hindi lang kapag Semana Santa.

Ayon pa kay Bermal hindi lang naman ang DPWH ang mayroong motorist assistance center kundi maging ang iba pang ahensiya ng gobyerno at iba pang grupo.

“Talagang active kami sa paglagay nitong Lakbay Alalay field office namin, this is in support sa ating mga travellers hindi naman natin inaano na magkaroon ng mga trouble ang kanilang mga sasakyan, so this is just but an anticipation in case meron tayong mga troubles sa ating mga sasakyan tuwing nagkakaroon tayo ng mga  pagta-travel,” ani Bermal.

Mayroon din umanong mga equipment na ide-deploy ang DPWH sa kanilang mga motorist assistance center.

Binigyang diin rin ng opisyal ang kahalagahan ng mga signages sa mga lugar na may patrabaho ang ahensiya.

“Siyempre kung meron tayong mga projects diyan, 200 meters before dumating  sa ano sa project site  ay dapat meron tayong mga signages para at least precautionary measures natin ma- inform itong ating mga travelers.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *